Gusto ko po lamang pugayan ang ating mga kababayan, yumaong o buhay na dumalo sa EDSA People's Power noong 1986. Isa rin pugay na paggalang kina Sec. Juan Ponce Enrile, Gen. Fidel Ramos, Col. Gringo Honasan para sa kanilang makabayaning gawa sa pagsulong ng isang makasaysayan pagkalas upang maibalik ang tunay na demokrasia sa ating bansa at muli, taas-noo na naman ang Filipino kahit saan sa mundo. Ikinalulongkot kong sabihin na sa kasalukoyan, nangangailangan pa po tayo ng mga lideres na maghamon sa atin na gumawa para sa kabutihan ng ating bansa at para sa mga kababayan natin.
Taos pusong pasasalamat din kay yumaong na Cardinal Sin sa kanyang paghimuk ng mga ordinariong mamamayan upang bigyan suporta ang "ating mga kaibigan" sa Aguinaldo.
Tayo po lahat na umayaw sa diktadura at marahas na regimen at lumahok sa EDSA ay bayani rin. Kung wala ang sambayanan Filipino, lalong-lalo na ang tulong mula sa itaas, hindi po nagtagumpay ang EDSA. Sa ganitong panahon na naglalabasan ang mga katiwalian, sana maging bayani po tayo ulit na magkaisa at magkaroon muli tayo ng pag-asa at lubos na pagmahal sa atin bansa sa pamamagitan ng isip, salita at gawa.
Wag po natin walain ang ating tiwala sa Panginoon at wag po itigil ang mga panalangin natin para sa isang maliwanag na kinabukasan para sa mga susunod na henerasion.
Sa pamamagitan ng video, gusto ko po gunitain ang mga araw na iyon noong sama-sama po tayo sa mga kalsada na lumaban maski wala po tayong sandata kundi matindi lamang na pagmahal sa ating bansa. Di ba umiyak tayo? Di ba mano mano tayo? Di ba iisa tayo sa hirap at panganib? Di ba iisa tayo sa panalangin? At di ba iisa tayo na handang mamatay para sa inang bayan?
Huwag po natin kalimutan ang mga makasaysayan na araw na iyon at huwag po natin kalimutan ang pagkakapatid na binuo natin --- walang mahirap, walang mayaman.
Masarap talaga ang maging Filipino!
ANG BAYAN KO
Tikik at Musika: Freddie Aguilar
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
KORO
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
Tikik at Musika: Freddie Aguilar
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
KORO
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
No comments:
Post a Comment